BAGYONG OMPONG
Rhoda P. Tanggay
Para kang si Ompong
hindi inaasahang ‘yong pagsumpong
puso ko’y nahulog sa patibong
ako’y iyong na-ompong
Ang bilis at lakas ng ‘yong dating
kasing lakas ng tama mo saakin
haplos ng hangi’y nadarama ko parin
kaya ako’y nabiktima mo rin
Maraming namatay at isa ako sa mga bangkay
dahil ako’y nadatnan sayo’y patay na patay
maraming tinamaan sayong pagdaan
gaya ng puso kong agad tinablan
Mabilis ang araw ng ‘yong pagbisita
kasing bilis ng araw nating pagsasama
parang hangin na dumaan at agad lilisan na
sabay sabi ng “paalam, tama na”